Jajaeight

I'm Janine Louise Amacio Rubi.
I love to play Basketball and
Music is my passion.

Feel free to ask. ;)

October 13, 2012 10:19 am September 30, 2012 1:14 am
Discrimination. :-“ 

Discrimination. :-“ 

1:06 am
August 13, 2012 11:39 am

Paano nga ba tayo mag-isip?

Bawat tayo may kanya-kanyang talino, may kanya-kanyang ganda at may kanya-kanyang opinyon sa mga bagay-bagay. Pero paano nga ba mag-isip ang halos lahat ng mga tao sa panahon ngayon?

Sino sa dalawa ang masasabi mong mas mahirap? Ang taong ubod ng yaman pero hindi masaya sa pamilya? O ang taong may kumpleto at masayang pamilya pero wala namang kaya? Marahil ang iba literal nilang tinitignan ang yaman ng tao tulad ng pera, pagmamay-ari at kung anu-ano pang mga materyal na bagay. Pero ang iba, mas binibigyan nila ng halaga ang hindi mababayarang yaman, ang kanilang pamilya. Ikaw? Ano sa tingin mo ang dapat mong pahalagahan? Ang mga luho mo na sa isang iglap eh maaaring mawala? O ang mga taong nakapaligid sa ‘yo na maaari mong lapitan kapag may pinagdaanan ka? Halos lahat siguro tayo ay pinagbabasihan ang mga materyal na bagay ng iba. Pero kailan natin maiisip na hindi yun ang dapat mas bigyan natin ng halaga?

Masasabi mo bang pangit ang isang tao kapag hindi nanalo sa isang beauty contest? Masasabi mo rin ba na mahirap ang isang tao kapag walang laptop, bagong gadgets at kung anu-ano pa?

Paano nga ba tayo mag-isip? Kapag nakaside ang bangs at all black ang suot, emo na? Kapag hindi latest ang gamit na cellphone, mahirap na? Kapag sa public school nag-aaral, bobo na? Kapag hindi sa village nakatira, squatter na? Kapag may bagong kaibigan, dapat kung ano sila ganun ka din? Mga tao nga naman kung mag-isip. Parang bawal maging simpleng tao ano? Parang dapat nakaaangat ka din. Eh papaano kung hindi? Hindi ka na maaaring makisalamuha sa kanila?

Minsan sa pagiging makitid magisip ng isang tao ay halos hindi na niya maunawan at maintindihan ang totoo at dapat niyang makita sa isang bagay. Nasisilaw tayo sa mga bagay na hindi dapat pagtuunan ng atensyon at nagpapadala sa mga nararamdaman at pagpilit ng gusto ng ibang tao.

Ikaw? Paano ka nga ba mag-isip?

August 11, 2012 4:27 am